16 Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,at sa alaala, sila'y mawawala.
17 Agad dinirinig daing ng matuwid;inililigtas sila sa mga panganib.
18 Tinutulungan niya, mga nagdurusaat di binibigo ang walang pag-asa.
19 Ang taong matuwid, may suliranin man,sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.
20 Kukupkupin siya nang lubus-lubusan,kahit isang buto'y hindi mababali.
21 Ngunit ang masama, ay kasamaan dinsa taglay na buhay ang siyang kikitil.
22 Mga lingkod niya'y kanyang ililigtas,sa nagpapasakop, siya ang mag-iingat!