3 Ang kadakilaan niya ay ihayag,at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!
4 Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos,inalis niya sa akin ang lahat kong takot.
5 Nagalak ang aping umasa sa kanya,pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
6 Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,sila'y iniligtas sa hirap at dusa.
7 Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos,sa mga panganib, sila'y kinukupkop.
8 Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh;mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.
9 Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan,nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.