1 Ang mga salungat at laban sa akin, O Yahweh, sila ay iyo ngang digmain!
2 Ang iyong kalasag at sandatang laan,kunin mo at ako po ay iyong tulungan.
3 Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,at sila'y tugisin hanggang sa mautas.Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!
4 Silang nagnanasang ako ay patayinay iyong igupo at iyong hiyain;at ang nagtatangkang lumaban sa akin,hadlangan mo sila at iyong lituhin.
5 Gawing parang ipa na tangay ng hangin,habang tinutugis ng sinugong anghel.
6 Hayaang magdilim, dumulas ang landas,ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.