16 Natutuwa silang ako'y maghinagpis;sa galit sa akin, ngipi'y nagngangalit.
17 Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong?Iligtas mo ako sa ganid na leon;sa paglusob nila't mga pagdaluhong.
18 At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan;pupurihin kita sa harap ng bayan.
19 Huwag mong tutulutang ang mga kaaway,magtawanan sa aking mga kabiguan;gayon din ang may poot nang walang dahilan,magalak sa aking mga kalumbayan.
20 Sila, kung magwika'y totoong mabagsik,kasinungalingan ang bigkas ng bibig,at ang ginigipit, taong matahimik.
21 Ang paratang nila na isinisigaw:“Ang iyong ginawa ay aming namasdan!”
22 Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!