3 Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,at sila'y tugisin hanggang sa mautas.Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!
4 Silang nagnanasang ako ay patayinay iyong igupo at iyong hiyain;at ang nagtatangkang lumaban sa akin,hadlangan mo sila at iyong lituhin.
5 Gawing parang ipa na tangay ng hangin,habang tinutugis ng sinugong anghel.
6 Hayaang magdilim, dumulas ang landas,ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.
7 Ni walang dahilan, ang hangad sa akinako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.
8 Hindi nila alam sila'y mawawasak,sila'y mahuhulog sa sariling bitag;sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.
9 Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;sa habag sa akin ako'y iniligtas.