7 Ni walang dahilan, ang hangad sa akinako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.
8 Hindi nila alam sila'y mawawasak,sila'y mahuhulog sa sariling bitag;sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.
9 Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;sa habag sa akin ako'y iniligtas.
10 Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,“Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”
11 Ang mga masama'y nagpapatotoo,at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.
12 Sa gawang mabuti, ganti ay masama;nag-aabang sa akin at nagbabanta.
13 Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,nagdaramit-luksa at nag-aayuno;at nananalangin na yuko ang ulo.