12 Ang taong masama'y laban sa matuwid,napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.
13 Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,pagkat araw nila lahat ay bilang na.
14 Taglay ng masama'y pana at patalim,upang ang mahirap dustai't patayin,at ang mabubuti naman ay lipulin.
15 Ngunit sa sariling tabak mamamatay,pawang mawawasak pana nilang taglay.
16 Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti,kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala.
17 Lakas ng masama ay aalisin,ngunit ang matuwid ay kakalingain.
18 Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin,ang lupang minana'y di na babawiin.