27 Masama'y itakwil, mabuti ang gawin,upang manahan kang lagi sa lupain.
28 Ang lahat ng taong wasto ang gawain,ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil.Sila'y iingatan magpakailanman,ngunit ang masama ay ihihiwalay.
29 Ang mga matuwid, ligtas na titira,at di na aalis sa lupang pamana.
30 Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan;at sa labi nila'y pawang katarungan.
31 Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,sa utos na ito'y hindi lumalayo.
32 Ang taong masama'y laging nag-aabang,sa taong matuwid nang ito'y mapatay;
33 ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;di rin magdurusa kahit paratangan.