9 O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid;ang mga daing ko'y iyong dinirinig.
10 Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos;ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.
11 Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalawdahil sa sugat ko sa aking katawan;lumalayo pati aking sambahayan.
12 Silang nagnanais na ako'y patayin, nag-umang ng bitag upang ako'y dakpin;ang may bantang ako'y saktan at wasakin,maghapon kung sila'y mag-abang sa akin.
13 Para akong bingi na di makarinig,at para ring pipi na di makaimik;
14 sa pagsasanggalang ay walang masabi,walang marinig katulad ng isang bingi.
15 Ngunit saiyo, Yahweh, ako'y may tiwala,aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.