1 Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat,at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas;upang hindi magkasala, ako'y di magsasalitahabang nakapalibot, silang mga masasama.
2 Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi,hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti;ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili.
3 Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko,habang aking iniisip, lalo akong nalilito;nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito:
4 “Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay,kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”
5 Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay,sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan;ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)
6 Ang buhay ng isang tao'y parang anino nga lamang,at maging ang gawa niya ay wala ring kasaysayan;hindi batid ang kukuha ng tinipon niyang yaman!