2 Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi,hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti;ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili.
3 Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko,habang aking iniisip, lalo akong nalilito;nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito:
4 “Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay,kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”
5 Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay,sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan;ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)
6 Ang buhay ng isang tao'y parang anino nga lamang,at maging ang gawa niya ay wala ring kasaysayan;hindi batid ang kukuha ng tinipon niyang yaman!
7 Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa?Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.
8 Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan;ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.