5 Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay,sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan;ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)
6 Ang buhay ng isang tao'y parang anino nga lamang,at maging ang gawa niya ay wala ring kasaysayan;hindi batid ang kukuha ng tinipon niyang yaman!
7 Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa?Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.
8 Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan;ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.
9 Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin,pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.
10 Huwag mo akong parusahan, parusa mo ay itigil;sa hampas na tinatanggap ang buhay ko'y makikitil.
11 Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit;parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig;tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)