7 Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa?Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.
8 Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan;ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.
9 Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin,pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.
10 Huwag mo akong parusahan, parusa mo ay itigil;sa hampas na tinatanggap ang buhay ko'y makikitil.
11 Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit;parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig;tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)
12 Pakinggan mo ako, Yahweh, dinggin ang aking hibik;sa daing ko't panalangin, huwag ka sanang manahimik.Sa iyong piling ay dayuhan, ako'y hindi magtatagal,at tulad ng ninuno ko, sa daigdig ay lilisan.
13 Sa ganitong kalagayan, huwag na akong kagalitan, upang muling makalasap kahit konting kasiyahan,bago man lang mamayapa't makalimutan ng lahat.