7 Kaya ang tugon ko, “Ako'y naririto;nasa Kautusan ang mga turo mo.
8 Ang nais kong sundi'y iyong kalooban;aking itatago sa puso ang aral.”
9 Ang pagliligtas mo'y aking inihayag,saanman magtipon ang iyong mga anak;di ako titigil ng pagpapahayag.
10 Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi,di ko inilihim, hindi ko sinarili;pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat,sa mga lingkod mo'y isinisiwalat.
11 Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin;wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.
12 Kay rami na nitong mga suliranin,na sa karamiha'y di kayang bilangin.Alipin na ako ng pagkakasala,na sa dami, ako'y di na makakita;higit pa ang dami sa buhok sa ulo,kaya nasira na pati ang loob ko.
13 Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan.