1 Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa;gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.
2 Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba;kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?
3 Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis;naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit,“Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”
4 Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalalaang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama,papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!
5 Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.