2 Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba;kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?
3 Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis;naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit,“Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”
4 Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalalaang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama,papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!
5 Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.
6 Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap,habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizardi ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.
7 Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong,at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon;ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon,na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon.
8 Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw,gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan;dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.