1 Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay,narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal;
2 Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan,at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay;sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay,samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan,
3 hindi sila ang gumapi sa lupain na minana,hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila;hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata,kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama;oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.
4 O Diyos, ikaw ang hari ko na nagbigay ng tagumpay,pagwawagi'y kaloob mo sa bayang iyong hinirang.
5 Dahilan sa iyong lakas, talo namin ang kaaway,pagkat ikaw ang kasama, kaya sila napipilan.
6 Palaso ko, aking tabak, hindi ko rin inasahan,upang itong kaaway ko ay magapisa labanan.
7 Ngunit ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay,sa sinumang namumuhing malulupit na kaaway.