6 Palaso ko, aking tabak, hindi ko rin inasahan,upang itong kaaway ko ay magapisa labanan.
7 Ngunit ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay,sa sinumang namumuhing malulupit na kaaway.
8 Kaya naman, ikaw, O Diyos, lagi naming pupurihin;sa papuri't pasalamat ika'y aming tatanghalin. (Selah)
9 Ngunit ngayo'y itinakwil, kaya kamiay nalupig,hukbo nami'y binayaa't hindi mo na tinangkilik;
10 Hinayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas;aming mga naiwanan ay sinamsam nilang lahat.
11 Kami'y iyong binayaang katayin na parang tupa,matapon sa ibang bansa upang doon ay magdusa.
12 Kami'y iyong pinagbili sa maliit na halaga;sa ginawang pagbebenta walang tubo na nakuha.