1 Kay gagandang pangungusap ang naroon sa isipan,habang aking hinahabi ang awit sa haring mahal;ang katulad ng dila ko ay panulat ng maalam,panulat ng dalubhasang sumulat ng kasaysayan.
2 Sa lahat nga ng nilikha, makisig kang hindi hamak,kapag nagtatalumpati'y pambihira kung mangusap;ikaw nga ay pinagpala ng Diyos sa tut'wina.
3 O ikaw na haring bantog, isakbat mo ang sandata;sagisag mo'y maharlika, malakas nga't dakila ka!
4 Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay,alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran;tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.
5 Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway;susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.