4 Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay,alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran;tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.
5 Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway;susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.
6 Iyang tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos,isang tronong magtatagal at hindi na matatapos;matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.
7 Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi;kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili;higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.
8 Sa damit mo'y nalalanghap, tatlong uri ng pabango,mira, aloe saka kasia na buhat sa ibang dako;inaaliw ka ng tugtog sa garing na palasyo mo.
9 O kay gagandang prinsesa ang katulong na dalaga,samantalang sa kanan mo, nakatayo yaong reyna,palamuti'y gintong lantay sa damit na suot niya.
10 O kabiyak nitong hari, ang payo ko'y ulinigin;ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.