8 Ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas;gaano man ang halagang hawak niya'y hindi sapat
9 upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakasat sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.
10 Alam naman niyang lahat ay mamamatay,kasama ang marunong, maging mangmang o hangal;sa lahing magmamana, yaman nila'y maiiwan.
11 Doon sila mananahan sa libingan kailanpaman,kahit sila'y may lupaing pag-aari nilang tunay;
12 maging sikat man ang tao, hinding-hindi maiwasankatulad din noong hayop, tiyak siyang mamamatay.
13 Masdan ninyo yaong taong nagtiwala sa sarili,at sa kanyang kayamanan ay nanghawak na mabuti: (Selah)
14 Tulad niya'y mga tupa, sa patayan din hahantong,itong si Kamatayan ang kanyang magiging pastol.Ang matuwid, magwawagi kapag sumapit ang umaga,laban doon sa kaaway na ang bangkay ay bulok nasa daigdig ng mga patay, na malayo sa kanila.