1 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;mga kasalanan ko'y iyong pawiin,ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
2 Linisin mo sana ang aking karumhan,at patawarin mo'ng aking kasalanan!
3 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,di ko malilimutan, laging alaala.
4 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y iyong parusahan.
5 Ako'y masama na buhat nang isilang,makasalanan na nang ako'y iluwal.