6 Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasanat ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8 Sa galak at tuwa ako ay puspusin;butong nanghihina'y muling palakasin.
9 Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,lahat kong nagawang masama'y pawiin.
10 Isang pusong tapat sa aki'y likhain,bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
11 Sa iyong harapa'y huwag akong alisin;iyong banal na Espiritu'y paghariin.
12 Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas,ibalik at ako po'y gawin mong tapat.