1 Ang panalangin ko, O Diyos, pakinggan,mga daing ko ay huwag namang layuan.
2 Lingapin mo ako, ako ay sagipin,sa bigat ng aking mga suliranin.
3 Sa maraming banta ng mga kaaway,nalilito ako't hindi mapalagay.Ang dulot sa akin nila'y kaguluhan,namumuhi sila't may galit ngang tunay.
4 Itong aking puso'y tigib na ng lumbay,sa aking takot na ako ay pumanaw.
5 Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig,sinasaklot ako ng sindak na labis.
6 Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad;hahanapin ko ang dakong panatag.
7 Aking liliparin ang malayong lugar,at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)