20 Itong taong dati'y aking kasamahan, mga kaibiga'y kanyang kinalaban;at hindi tumupad sa 'ming kasunduan.
21 Ang dulas ng dila'y parang mantekilya,ngunit nasa puso pagkapoot niya;ang mga salita niya'y tulad ng langis,ngunit parang tabak ang talas at tulis.
22 Ilagak kay Yahweh iyong suliranin,aalalayan ka't ipagtatanggol rin;ang taong matuwid, di niya bibiguin.
23 Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao,O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo.Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig,ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.