7 Aking liliparin ang malayong lugar,at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)
8 Ako ay hahanap agad ng kanlunganupang makaiwas sa bagyong darating.”
9 Sila ay wasakin, Yahweh, guluhin mo; pag-uusap nila'y bayaang malito,yamang karahasan ang nakikita ko, at sa lunsod nila ay nagkakagulo.
10 Sa lunsod na puno ng sama't ligalig,araw-gabi'y doon sila lumiligid;
11 Sa gitna ng lunsod na wasak nang tunay, naghahari pa rin ang katiwalian;pati pang-aapi ay nasasaksihan.
12 Kaya kong mabata at mapagtiisan,kung ang mangungutya ay isang kaaway;kung ang maghahambog ay isang kalaban,kayang-kaya ko pang siya'y pagtaguan!
13 Ang mahirap nito'y tunay kong kasama,aking kaibigang itinuturing pa!