3 Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan,O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal?
4 Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas,hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas.
5 Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala,sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo'y sasamba?
6 Pinanghihina ako nitong aking karamdaman;gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan,binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.
7 Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha,halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa.
8 Kayong masasama, ako'y inyong layuan,pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.
9 Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing,at sasagutin niya ang aking panalangin.