6 Pinanghihina ako nitong aking karamdaman;gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan,binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan.
7 Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha,halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa.
8 Kayong masasama, ako'y inyong layuan,pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.
9 Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing,at sasagutin niya ang aking panalangin.
10 Ang mga kaaway ko'y daranas ng matinding takot at kahihiyan;sila'y aatras at sa biglang pagkalito'y magtatakbuhan.