1 Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin;inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!
2 Tumatawag ako dahilan sa lumbay,sapagkat malayo ako sa tahanan.Iligtas mo ako, ako ay ingatan,
3 pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan,matibay na muog laban sa kaaway.
4 Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay;sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)