1 O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
2 Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan,at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan.
3 Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.
4 Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat,at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.
5 Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan,magagalak na umawit ng papuring iaalay.
6 Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;
7 ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina,kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.