3 Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas,tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.
4 Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao,at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito.
5 Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila,kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.
6 At ang sasabihin pagkatapos nilang makapagbalangkas,“Ayos na ayos na itong kasamaang ating binabalak.”Damdamin ng tao at ang isip niya'y mahiwagang ganap!
7 Subalit ang Diyos na may palaso ri'y di magpapabaya,walang abug-abog sila'y tutudlai't susugatang bigla.
8 Dahilan sa sila'y masamang nangungusap, kaya wawasakin,at ang makakita sa gayong sinapit sila'y sisisihin;
9 yaong nakakita'y sisidlan ng takot, ipamamalitaang gawa ni Yahweh at isasaisip ang kanyang ginawa.