1 Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
2 At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay!Awitan siya't luwalhatiin siya!
3 Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga;yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan.
4 Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,awit ng papuri yaong kinakanta;ang iyong pangala'y pinupuri nila.” (Selah)