5 Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan,ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
6 Naging tuyong lupa kahit na karagatan,mga ninuno nati'y doon dumaan;doo'y naramdaman labis na kagalakan.
7 Makapangyarihang hari kailanman,siya'y nagmamasid magpakailanman;kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)
8 Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,inyong iparinig papuring malugod.
9 Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!
10 O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.
11 Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.