8 Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos,inyong iparinig papuring malugod.
9 Iningatan niya tayong pawang buháy,di tayo bumagsak, di niya binayaan!
10 O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang,sinubok mo kami upang dumalisay;at tulad ng pilak, kami'y idinarang.
11 Iyong binayaang mahulog sa bitag,at pinagdala mo kami nang mabigat.
12 Sa mga kaaway ipinaubaya,sinubok mo kami sa apoy at baha,bago mo dinala sa dakong payapa.
13 Ako'y maghahandog sa banal mong templong aking pangako na handog sa iyo.
14 Pati pangako ko, nang may suliranin,ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.