1 O Yahweh, aking Diyos, sa iyo ako lumalapit,iligtas mo ako sa mga taong sa aki'y tumutugis,
2 kundi, sila'y parang leon na lalapa sa akinkung walang magliligtas, ako nga ay papatayin.
3 O Yahweh, aking Diyos, kung ako ma'y nagkasala,at kung aking mga kamay ay puminsala sa iba,
4 kung ako ay naging taksil sa tapat kong kaibigan,kung ako po'y naminsala o nang-api ng kaaway,
5 payag akong hulihin, patayin kung kailangan,iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah)
6 O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway,ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay!Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan,dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan.
7 Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa,at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw Yahweh ang mamahala.