5 payag akong hulihin, patayin kung kailangan,iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah)
6 O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway,ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay!Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan,dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan.
7 Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa,at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw Yahweh ang mamahala.
8 Sa lahat ng mga bayan ikaw ang hukom na dakila,humatol ka sa panig ko sapagkat ako'y taong tapat.
9 Ikaw ay isang Diyos na matuwid,batid mo ang aming damdamin at pag-iisip;sugpuin mo ang gawain ng masasama,at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.
10 Ang Diyos ang aking sanggalang;inililigtas niya ang may pusong makatarungan.
11 Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan,at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.