1 Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig,huwag mo akong pabayaang mapahiya at malupig.
2 Tulungan mo po ako sapagkat ikaw ay matuwid,ako sana ay sagipin, sa daing ko ay makinig.
3 Ikaw nawa ang muog ko, aking ligtas na kanlungan,matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
4 Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako'y ipaglaban,sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan.
5 Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.
6 Sa simula at mula pa wala akong inasahangsa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang;kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.