11 Ang kanilang sinasabi, ako raw ay iniwanan,iniwan na ako ng Diyos, kaya nila sinusundan;ako raw ay mabibihag dahil wala nang sanggalang.
12 Panginoon at aking Diyos, huwag mo akong lalayuan,lumapit ka sa piling ko't ako ngayon ay tulungan!
13 Nawa silang naghahangad na ako ay salakayin,lahat sila ay mawasak, at mabigo ang layunin!Maging yaong mga taong tanging nais ako'y saktan,mapahamak sanang lahat, mag-ani ng kahihiyan.
14 Ako naman, samantala ay patuloy na aasa,patuloy na magpupuri, pupurihin ka tuwina.
15 Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan;hindi ko man nalalaman kung paanong ito'y gawin.
16 Pagkat ikaw, Panginoong Yahweh, malakas at makatuwiran,ihahayag ko sa madla, katangiang iyo lamang.
17 Mula pa sa pagkabata ako'y iyong tinuruan,hanggang ngayo'y hinahayag ang gawa mong kabutihan.