15 Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan;hindi ko man nalalaman kung paanong ito'y gawin.
16 Pagkat ikaw, Panginoong Yahweh, malakas at makatuwiran,ihahayag ko sa madla, katangiang iyo lamang.
17 Mula pa sa pagkabata ako'y iyong tinuruan,hanggang ngayo'y hinahayag ang gawa mong kabutihan.
18 Matanda na't puti na ang aking buhok,huwag akong iiwanan, ang samo ko sa iyo, O Diyos.Hayaan mong ihayag ko ang lakas mong tinataglay,samahan sa bawat lahing sa daigdig ay lilitaw.
19 Dakila ka, Panginoon, matuwid ka hanggang langit,dakila ang ginawa mo at wala kang makaparis.
20 Kahit na nga dinanas ko ang hirap at madlang sakit,subalit ang aking lakas ay muli mong ibinalik,upang ako'y di tuluyang sa libingan ay mabulid.
21 Tutulungan mo po ako at karangala'y dadagdagan,ako'y muli mong aliwin; iahon sa kahirapan.