14 Inaagaw niya sila sa kamay ng mararahas,sa kanya ang buhay nila'y mahalagang hindi hamak.
15 Pagpalain itong hari! Siya nawa ay mabuhay!At magbuhat sa Arabia'y magtamo ng gintong-yaman;sa tuwina siya nawa'y idalangin nitong bayan,kalingain nawa ng Diyos, pagpalain habang buhay.
16 Sa lupai'y sumagana nawang lagi ang pagkain;ang lahat ng kaburulan ay mapuno ng pananimat matulad sa Lebanon na mauunlad ang lupain.At ang kanyang mga lunsod, dumami ang mamamayan,sindami ng mga damong tumubo sa kaparangan.
17 Nawa ang kanyang pangalan ay huwag nang malimutan,manatiling bantog hangga't sumisikat itong araw.Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa, at sa Diyos, silang lahat dumalanging: “Harinawa,pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.”
18 Si Yahweh, Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.
19 Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan!Amen! Amen!
20 Ito ang wakas ng mga dalangin ni David, na anak ni Jesse.