1 Kay buti ng Diyos sa taong matuwid,sa lahat ng taong ang puso'y malinis.
2 Ngunit ang sarili'y halos bumagsak,sa paghakbang ko'y muntik nang madulas!
3 Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga,at sa biglang yaman ng mga masama.
4 Ni hindi nagdanas ng anumang hirap,sila'y masisigla't katawa'y malakas.
5 Di tulad ng ibang naghirap nang labis,di nila dinanas ang buhay na gipit.
6 Ang pagmamalaki ay kinukuwintas,at ang dinaramit nila'y pandarahas.
7 Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan,at masasama rin ang nasa isipan;