14 Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap,sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
15 Kung ang mga ito'y aking sasabihin,sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
16 kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.
17 Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,na ang masasama ay mapapahamak;
18 dinala mo sila sa dakong madulas,upang malubos na, kanilang pagbagsak;
19 walang abug-abog sila ay nawasak,kakila-kilabot yaong naging wakas!
20 Parang panaginip nang ako'y magising,pati anyo nila'y nalimutan na rin.