16 kaya't sinikap kong ito'y saliksikin,mahirap-hirap mang ito'y unawain.
17 Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas,na ang masasama ay mapapahamak;
18 dinala mo sila sa dakong madulas,upang malubos na, kanilang pagbagsak;
19 walang abug-abog sila ay nawasak,kakila-kilabot yaong naging wakas!
20 Parang panaginip nang ako'y magising,pati anyo nila'y nalimutan na rin.
21 Nang ang aking isip hindi mapalagay,at ang damdamin ko'y labis na nasaktan,
22 di ko maunawa, para akong tanga,sa iyong harapa'y hayop ang kagaya.