1 Panginoon bakit kami'y itinakwil habang buhay?Bakit ka ba nagagalit sa tupa ng iyong kawan?
2 Iyo sanang gunitain ang tinipon mo no'ng una,itong lahing tinubos mo't itinakda na magmana;pati ang Zion na iyong dating tirahan.
3 Lapitan mo ang naiwan sa winasak ng kaaway.Ang guho ng santuwaryo mo na sinira nang lubusan.
4 Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang,sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan.
5 Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy,magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol.
6 Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid,pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit.