12 Simula pa noong una ikaw na ang aming Hari, O Diyos.Sa daigdig ay maraming iniligtas ka't tinubos.
13 Sa lakas na iyong taglay hinati mo yaong dagat,at ang mga naroroong dambuhala ay inutas;
14 ikaw na rin ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan,at ginawa mong pagkain ng mga nilikhang nasa ilang.
15 Mga batis, mga bukal, ikaw rin ang nagpadaloy,ginawa mong tuyong lupa ang maraming ilog doon.
16 Nilikha mo yaong araw, nilikha mo pati gabi,nilikha mo yaong araw, buwa't talang anong dami.
17 Ang hangganan ng daigdig ay ikaw rin ang naglagay,at ikaw rin ang lumikha ng taglamig at tag-araw.
18 Ngunit iyong gunitaing nagtatawa ang kaaway,yaong mga masasama'y dumudusta sa iyong ngalan;