20 Yaong tipang ginawa mo ay huwag mong lilimutin,ang masama'y naglipana sa pook na madidilim, laganap ang karahasan kahit saan sa lupain!
21 Huwag mo sanang itutulot na ang api'y mapahiya,bayaan mong ang ngalan mo'y purihin ng dukha't abâ.
22 Kami'y iyong ipaglaban, aming Diyos, bumangon ka!Pagmasdan mo yaong hangal na maghapong nagtatawa.
23 Ang hangarin ng kaaway ay huwag mong lilimutin,ang sigaw ng kaaway mo'y patuloy at walang tigil.