3 Lapitan mo ang naiwan sa winasak ng kaaway.Ang guho ng santuwaryo mo na sinira nang lubusan.
4 Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang,sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan.
5 Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy,magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol.
6 Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid,pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit.
7 Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan,nilapastangan nila't winasak ang templong banal.
8 Sa kanilang pag-uusap ay nagpasya ng ganito, “Hindi natin sila titigilan hanggang di pa natatalo;”kaya sa buong lupain, ang tagpuan ng bayan mo, para ikaw ay sambahin, sinunog at naging abo.
9 Wala kaming pangitain, ni propetang naglilingkod,ang ganitong kalagaya'y hindi namin maunawaan,hindi namin nalalaman kung kailan matatapos.