1 Salamat, O Diyos, maraming salamat,sa iyong pangalan kami'y tumatawag,upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
2 Wika ng Panginoon, “Sa takdang panahon,walang pagtatanging ako ay hahatol.
3 Itong mundong ito'y kahit na mayanig,maubos ang tao dito sa daigdig,ang saligan nito'y aking ititindig.” (Selah)
4 “Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat.