5 Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”
6 Hindi sa silangan, hindi sa kanluran,hindi rin sa timog o sa hilaga man magmumula, hatol na inaasahan.
7 Tanging Diyos lamang ang siyang hahatol,sa mapapahamak o sa magtatagumpay.
8 Si Yahweh na Diyos ay may kopang hawak,sariwa't matapang yaong lamang alak;ipauubaya niyang ito'y tunggainng taong masama, hanggang sa ubusin.
9 Subalit ako ay laging magagalak;ang Diyos ni Jacob, aking itataas.
10 Lakas ng masama'y papatiding lahat,sa mga matuwid nama'y itataas!