1 O Diyos,pinasok ng Hentil ang lupang pangako, hayo't iyong masdan!Winasak ang lunsod, ang banal mong templo ay nilapastangan;
2 ang mga katawanng mga lingkod mo ay ginawang pagkain ng mga ibon,ang kanilang laman, sa mga halimaw ay ipinalamon.
3 Dugo ng bayan mo'yibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem,katulad ay tubig; sa dami ng patay ay walang maglibing.
4 Ang karatig-bansangdoo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila,lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita.
5 Iyang iyong galitsa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos?Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok?
6 Doon mo ibalingang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin,mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin.
7 Masdan ang ginawanila sa bayan mo, ang mga lingkod mo ay pinatay nila,pati ang tahanan nila ay winasak, walang itinira.